‘Di Siya Worth It

 

“Pakshet. Hindi niya na ako mahal.”

“Iniwan niya na ako.”

“Pina-asa niya lang ako. Sobrang sakit.”

Nakakasawa nang marinig yung mga ganyang salita. Sasabihan ka ng “I love you” pero iiwan ka? Wow naman. I applaud you ate/kuya. Isipin niyo na tao din yung sinasaktan niyo.

 

tumblr_inline_msxg0dJ3w81qz4rgp.jpg
“Sabi niya sakin mahal niya ako. Sabi niya sakin hindi niya ako iiwan. Pero anong nangyari?”

Siguro’y lahat tayo ay minsan nang nagmahal at oo, hindi ako exemption dun. Maraming beses na akong nagkaron ng crush pero sa “maraming beses” na yun isa lang dun yung minahal ko. At kung minamalas nga naman, pinaasa niya ako kumbaga pa-fall ganun. And well, I guess that was the best mistake I’ve ever done in my life. Dahil dun ay na-realize ko na maling mali ang pagiging tanga sa isang tao. Alam mo yung sinakripisyo mo lahat-lahat? Oras, pera, efforts para lang “mahalin” ka niya pero wala pa din.  Eto yung mga natutunan ko sa “pagkakamali” ko.

1. Kung magmamahal ka, magtira ka para sa sarili mo

Wag mong ibigay sakanya lahat. Oo, maging selfless ka minsan pero intindihin mo din ang sarili mo. Wag buong pagmamahal mo ibigay mo tas sayo wala. Siya nakikinabang ikaw yung kawawa. At malay mo, tinetake for granted niya lang pala feelings mo. Ingat ingat din.

2. Wag kang mag-eeffort kung alam mong walang kahahantungan ang efforts mo

Eto. Eto ang pinaka-maling nagawa ko. Sobra sobrang effort ginawa ko pero look at me right now, wala. Walang nangyari. Don’t be such a hypocrite. Alam mo na ngang walang mangyayari, i-ppush mo padin. Oh diba? Sarap mong bigyan ng Korona ng Katangahan (ako din, deserve ko to kaya okay lang)!

3. Wag na wag na wag na wag na wag na wag (ititigil ko na dito kasi walang forever) mong iiyakan yung “mahal” mo 

Bakit?  Kasi hindi siya worth ng luha mo. Umiyak ka kung bagsak ka sa exams, wala nang pagkain sa ref niyo, namatayan ka (wag mong idamay puso mo pag patay puso mo patay ka na din), o kaya naman may aalis (na kamaganak, hindi “mahal” mo kuno).  Pero yung iyakan yung taong nanakit sayo?  Sabi nga sa kanta ni Meghan Trainor nah to the ah to the no no no. As in wag na wag mong iiyakan! Isa kang royalty ate/kuya wag mong hahayaang mahulog ang korona mo. Save your tears for happy moments not for people who don’t care for you.

4. MAGKWENTO KA KAY LORD!

This is my best tip for you. Iwanan ka man ng lahat ng tao, si Lord hindi ka iiwanan niyan! Isuko mo siya kay Lord at si Lord na ang bahalang gumamot ng puso mo. Hindi hahayaan ni Lord na pinapaiyan ang anak niya. At siyempre, sundin mo ang sasabihin ni Lord. Pag sinabi niyang “wait” maghintay ka. Siguro kaya ka kasi nasasaktan ay pinipilit mo ang gusto mo hindi ang gusto ni Lord.

 

Ayan. Ayan ang mga natutunan ko sa maling pagibig ko. Basta, lagi mo lang tatandaan na wag mong iiyakan ang isang tao lalong lalo na kung hindi siya worth it. Ituon mo ang atensyon mo sa mga bagay na magpapasaya sayo: pamilya mo, mga kaibigan mo, at siyempre si Lord. Minsan kasi nakakalimutan natin ang mga bagay na nanjan para sayo ng dahil lang sa isang tao na never na nanjan para sa’yo. Hindi man ako babae, pero nararamdaman ko ang sakit na nararanasan niyo sa pag-ibig.

Sana makatulong ito sainyo at sabay sabay tayong mag-move on! HAHAHAHA.

PS. Tip #5: Ikain mo lang yan. Mas masarap kumain kaysa magmahal ng wala sa oras!

Lagi niyong tandaan na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kayo ni Lord! ❤

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s